-- Advertisements --
Nilinaw ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na ang datos sa presyo ng krudo sa Marso ay kailangan pa para ma-trigger ang paglalabas ng kalahating bilyong budget para sa farm sector’s fuel subsidy.
Ito ay sa gitna ng sunod-sunod na ng taas presyo sa produktong petrolyo.
Aniya, tatlong sunod na buwan ang kailangan para sa average price ng petrolyo na 80 dollars per barrel.
Nauna nang sinabi ng DA na hindi pa naaabot ang threshold para sa pagbibigay ng fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda sa kabila ng kamakailang beses na pagtaas ng presyo ng langis.
Pero ilang grupo ang hindi sang-ayon sa DA, dahil hindi lamang 80 dollars per barrel ngayon, kundi pumapalo pa ito sa 100 dollars per barrel sa nakalipas na mga linggo.