TACLOBAN CITY – Aabot ng halos P500 million nang pinaghihinalaang shabu ang naharang ng mga otoridad kasama ang anim na mga suspeks sa isinagawang checkpoint sa Brgy. Tagnao, sa bayan ng Gandara sa lalawigan ng Samar.
Nahuli naman sa operasyon ang mga suspek na sina Cesar Uy, na nanggaling sa Gen. Trias, Cavite at sina Steven Perez, Albert Abella, Jeralou Laborte Artuela, Leonard de los Reyes at 14-anyos na binatilyo na pawang mga taga-Cebu City.
Ang 88 kilos pinaghihinalaang shabu ay lulan sa dalawang sasakyan at dadalhin sana sa Cebu City ng ma-intercept ito ng PDEA at Regional Drug Enforcement Unit.
Ayon sa driver na pinagkargahan ng kontrabando, tinatawagan sila ng kanilang boss kung saan idadaan ang pinaghihinalaang shabu at ipinangakong babayaran sila ng tig-P50,000 kapag nagtagumpay sila sa kanilang operasyon.
Nagmula raw ng Imus, Cavite at Quezon City ang kontrabando at nagkitakita lang ang anim na mga suspek sa isang hotel sa Calbayog City, Samar at napagkasunduang idaan ang mga ito sa Ormoc City patungong Cebu City.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Gandara Police Station ang mga suspek at dadalhin naman ang mga ito sa PNP Regional Office-8 para sa inquest proceedings.
Napag-alaman din sa naging pahayag ng isa sa mga suspek at driver na si Cesar Uy, naapangalawang operasyon na raw nila ito kung saan una nito ay ang naging matagumpay ang kanilang shipment sa Cebu noong nakaraang buwan ng Agosto.