-- Advertisements --

Inamin ng Department of Budget and Management (DBM) na sa loob ng tatlong buwan pa lamang sa ngayon ang kayang maibigay ng pamahalaan para sa proposed P500 na buwanang subsidiya para sa mahihirap na pamilyang Pilipino dahil sa kaunti lamang ang pagkukunan ng pondo.

Sinigundahan ni acting Budget Secretary Tina Canda ang sentimyento ni Finance Secretary Carlos Dominguz III na siyang nagunguna sa paglalaan ng pananalapi para naturang programa dahil maaaring magkaroon ng problema sa pondo sa anim na buwan kung ipagpapatuloy ang pamamahagi ng P500 buwanang unconditional cash aid.

Kukunin aniya ang P500 na ibibigay sa loob ng tatlong buwan mula sa excess revenue na nakolekta ng DOF.

Ayon kay Canda, nakatakdang makatanggap ng cash aid ang nasa 13 million beneficiaries. Planong simulan ang pamamahagi ng subsidiya sa 4Ps sa susunod na buwan.

Ayon sa DBM, nasa P20 billion ang ilalaan para sa tatlong buwang pamamahagi ng P500 subsidy.