-- Advertisements --
image 268

Nagbigay ang International We Love You Foundation ng higit P500,000 na donasyon para sa mga pamilyang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro, Linggo ng umaga.

Ang donasyong ay tinanggap ng incident commander ng Oriental Mindoro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa isinagawang “walkathon” sa Parañaque ng International We Love You Foundation.

Layunin ng walkathon na makalikom ng dagdag pang pondo para sa mga naapektuhan ng oil spill. Ibig sabihin ay paunang tulong pa lang ang naunang ibinigay na P500,000.

Higit 1,000 volunteer ang nakilahok sa walkathon.

Nasa 70,000 ang naitalang bilang ng mga indibiduwal na naapektuhan ng oil spill, kasama ang 31,500 mangingisdang natigil sa pagpapalaot sa dagat.