-- Advertisements --

Isinusulong ng grupo ng mga Nurses sa bagong adminsitrasyon na maitaas sa P50,000 kada buwan ang entry salaray ng mga nurses sa bnasa.

Ayon kay Filipino Nurses United (FNU) president Maristela Abenojar, kanilang ipepresenta ang 10-point nurses agenda sa bagong administrasyon kabilang na dito ang taas-sahod ng nurses sa mga pampubliko at pmpribadong ospital.

Naging batayan ng grupo ang inflation at ang living wage na itinakda ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa kanilang rekomendasyon sa taas na sahod ng nurses.

Aniya, ang sinasahod ng ilang nurses sa pribadong ospital ay nasa P8,000 hnaggang P10,000 kada buwan habang sa public hospitals naman, ilan sa mga nurses ay P35,000 kada buwan sa ilalim ng Salary Grade 15.

Subalit marami aniya sa mga nurses ay hindi nakakatangap ng naturang halaga dahil nasa 50,000 nurses ay contractual workers.

Ibinabala naman ng grupo na ang healthcare system ng bansa ay posibleng mag-collapse dahil sa nakakabahalang “exodus” ng nurses na nagtratrabaho sa ibang bansa.

Ayon sa Nurses group, nasa 316,000 mula sa 917,000 Filipino nurses ang nagtratrabaho sa labas ng bansa upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa gitna ng economic crisis.

Malugod naman ang pagtanggap ng grupo sa naging pahayag ni President Bongbong Marcos sa pagpapaganda pa sa public health sa kaniyang inauguration speech.

Subalit ikinalungkot naman ng grupo na nasa 71% pa ng mga healthcare workers ang hindi nakatatanggap ng kanilang One COVID allowance.

Top