BAGUIO CITY – Kulong
Nakilala itong si Al Denver Wal Sayan, 33-anyos, binata at residente ng Pico, La Trinidad, Benguet.
Ayon sa PDEA-Cordillera, ini-inspeksion nila ang mga personal na kagamitan ni Sayan nang madiskobre nila ang iligal na droga at drug paraphernalia.
Nakumpiska mula kay Sayan ang aabot sa 7.5 gramo ng pinaniniwalaang shabu at anim na gramo ng dried leaves ng marijuana na nagkakahalaga lahat ng higit P51,700.
Inilabas ang warrant of arrest ni Sayan nang mabigo itong humarap sa korte para sa pagbasa sa kanyang sakdal sa kasong paglabag ng RA 10591 o ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Unang nahuli si Sayan noong October 5, 2016 dahil sa pagdadala nito ng iligal na droga, drug paraphernalia, mga bala at isang caliber 38 revolver.
Gayunman, napalaya ito matapos magpiyansa habang dinidinig ang kanyang kaso sa korte.