Ibinida ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga accomplishment nito sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Mula ng buwan ng Hulyo nang taong 2022 hanggang Disyembre 2024, umabot sa kabuuang P52.50 billion ang halaga ng mga droga, laboratory equipment, controlled precursors at mga essential chemicals (CPECs) ang nakumpiska ng ahensya.
Kabilang dito ang 6,764.56 kilo ng shabu, 80.76 kilo ng cocaine, 120,553 piraso ng ecstasy, at 6,247.70 kilo ng marijuana. Ang mga operasyon din ay nagresulta sa pag-aresto ng 127,155 na mga drug personalities, kasama na ang 8,138 mataas na halaga ng target.
Dagdag pa rito, nagwasak rin umano ang ahensya ng dalawang clandestine laboratories at 1,266 na drug dens. ang naturang kampanya ay nagresulta sa 29,390 na barangay na ideklarang drug-free, habang 6,113 barangay ang nananatiling apektado.
Ang Barangay Drug Clearing Program (BDCP) din ay nagbigay daan para sa mga barangay na dating apektado ng droga upang malinis ang kanilang sarili at ideklara silang drug-free.
Katuwang sa nasabing programa ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Department of Health (DOH), at mga lokal na pamahalaan sa pagproseso ng paglilinis ng barangay mula sa iligal na droga.