-- Advertisements --
Dest of Illegal Drugs 7

BACOLOD CITY – Mahigit P53 million na halaga nga shabu at marijuana ang matagumpay na na-dispose ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa San Carlos City, Negros Occidental sa utos ng korte.

Ang mga shabu at marijuana na nakumpiska at nadesisyunan na ng korte ay sinunog sa pamamagitan ng Bioenergy Incorporated.

Ayun kay Ma. Graziella Tanaleon, spokesperson ng PDEA Region 6, ang mga sinunog na shabu at marijuana ay mula pa sa mga natapos na kaso noong 2012 hanggang 2020.

Ang sinunog na shabu ang may bigat na 6,280.009 grams na nagkakahalaga ng P53,380,084.

Habang ang marijuana naman ang may bigat na 427.7840 grams na nagkakahalaga ng P64,167.

Ang mga iligal na droga ang nakumpiska mula sa Lungsod ng Cadiz, Silay, Himamaylan, Bago, San Carlos at Kabankalan sa Negros Occidental at may maliit na bilang mula sa Iloilo Province.

Ayun kay Tanaleon, kasama sa mga dumalo sa destruction of illegal drugs ang alkalde sa San Carlos City na si Mayor Renato Gustilo at gayon din ang AVP Factory Operations Head ng Bioenegy Inc. na si Alexander Pino na nagsilbing witness sa pagpasok ng mga iligal na droga sa broiler.

Senigurado din ng PDEA na walang mga tao malapit sa planta bago isinagawa ang pagsira sa mga iligal na droga.

Inaasahan ng ahensya na maisagawa sa susunod na taon quarterly ang destruction of illegal drugs.

Napag-alaman na ito ang kauna-unahang pagkakataon na isinagwa ang pagsira ng droga ng PDEA sa Negros Occidental ngayon taon, at pangalawa na sa Western Visayas kung saan ang una ang isinagawa noong Marso sa Iloilo City.