-- Advertisements --

shabu

Arestado ang dalawang hinihinalaang drug personalities matapos makuhanan ng nasa P54-million halaga ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Muntinlupa City.
Ikinasa ang nasabing operasyon ng mga pinagsanib na pwersa PNP,PDEA,AFP at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).


Kinilala ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang dalawang naarestong drug suspek na sina Renzy Louise Vizcarra at Red Lewy Vizcarra.

Isinagawa ang buy-bust operation sa isang fas-food restaurant sa Tunasan, Muntinlupa bandang alas-5:00 ng hapon kahapon, Sabado.

Nakumpiska sa mga suspek ang walong kilo ng shabu, tatlong cellphone, Toyota Innova at boodle money na ginamit ng mga agents sa ikinasang entrapment operation.

shabu2

Binigyang-diin ni Sinas na ang kanilang pinalakas na kampanya laban sa iligal na droga ay nagdulot na ng magandang resulta at ito ay ang pagkakalambat sa mga major key players sa drug distribution dito sa Metro Manila.

Pagtiyak ni PNP Chief, hindi sila titigil sa kanilang kampanya laban sa illegal drugs hanggat hindi nalalansag ang mga big time drug lord at drug pushers.

” There will be not let up. The PNP,PDEA and other agencies have strong resolve to carry out the Presidents instruction to rid our country of illegal drugs,” wika ni Sinas.

Samantala, tiniyak naman ni NCRPO chief BGen. Vicente Danao Jr., na kanilang palakasin at panatilihin ang coordination and collaboration sa iba pang law enforcement agencies para ipagpatuloy ang giyera kontra iligal na droga.

” Magsilbi dapat na babala ito sa iba pang involved sa ilegal na droga. Ibat ibang ahensiya at ang mga komunidad ay nagtutulong tulong upang kayo ay mahuli at matigil na,” wika ni BGen. Danao.

Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng dalawang suspek.