-- Advertisements --

Mangangailangan pa ng bansa ng karagdagang P55-bilyon kung plano nitong bakunahan ang mga teenagers at bumili ng mga booster shots laban sa COVID-19.

Sinabi ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez, ito ang posibleng magastos kung gagaya ang Pilipinas sa ibang bansa na pati mga teenagers na nasa edad 12 hanggang 17 ay matuturukan na ng bakuna.

Asahin na ang pagbili ng booster shots para sa susunod na taon para sa mga 85 milyon na kabataan at kailangan ng gastos ng hanggang P55 bilyon.

Sa ngayon ay mayroong P82.5 bilyon na inilaan ang gobyerno para sa pagpapabakuna ng 55 percent ng population kung saan P72.5 bilyon dito ay mula sa multilateral loand at sa national budget.

Para makakuha ng karagdagang pondo sa pagpapabakuna ay kailangan ng gobyerno ang pag-reallocate ng pondo.