-- Advertisements --

TACLOBAN CITY- Aabot sa P55M ang halaga ng hinihinalang shabu na nasabat sa Purok 7, Barangay San Roque, San Isidro, Northern Samar.

Ayon kay PLt. Millen Charles- Vincent Reyes, Officer in Charge han San Isidro Northern Samar Police Station, natagpuan ang nasabing iligal na droga ng isang residente ng nasabing barangay, sa isang abandonadong kubo malapit sa kanilang tahanan, at agad naman iton ini-report sa mga awtoridad.

Nakuha sa imbestigaayon, ng mga otriridad anim na plastic bag kung saan naroon ang hinihinalang shabu sa loob ng bag. Tumimbang ito ng 8.1 kilo at nagkakahalaga ng humigit-kumulang P55,080,000.

Ang ilegal na drogang ito ay itinurn-over sa Samar Police Provincial Office Forensic Unit para sa karagdagang pagsusuri.

Samantala, sa ngayon patuloy ang ginagawang imbistigasyon ng mga otoridad para malaman kung sino angnagmamay-ari ng nasabing ilegal na droga.