TACLOBAN CITY – Nagbigay na ng financial aid na aabot ng P57.5 million ang National Housing Authority (NHA) Regional Office 8 para sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Eastern Visayas.
Ayon kay NHA 8 Regional Manager Constancio Atiniero, nakapagrelease na sila ng P45 million para sa mga LGU nga Leyte, Southern Leyte at 12.5 million pesos naman sa Samar.
Ang naturang financial assistance ay para sa pagpapagawa at pagbili ng mga materyales ng mga nasirang bahay ng mga biktima ng bagyong Odette.
Samantala patuloy na nagsusumite ng mga proposals ang National Housing Authority sa national government para mabigyan na ng permanent resettlement sites ang mga nasalanta ng bagyo.
Idadaan ang nasabing proposals sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang kanilang ginagawang assessment sa mga binibisita nilang mga lugar na apektado nang nagdaang bagyo.