-- Advertisements --

CEBU CITY – Umabot sa mahigit P59 million ang danyos sa nangyaring sunog sa isang commercial establishment sa Legazpi St. Barangay Sto. Nino, lungsod ng Cebu, kaninang umaga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay FO3 Emerson Arceo, ang fire investigator ng Cebu City Fire Office, sinabi nitong nagsimula ang sunog pasado alas 8 kaninang umaga at na fire out pasado alas 12 na ng tanghali.

Ayon kay FO3 Arceo na umabot sa 25 mga establisimento ang apektado kung saan tatlo nito ang partially burned.

Aniya, pinagmamay-ari ang nasabing building ni Steven Jo, at ino-okupa ng Seven Arts Cinema, isang sinehan sa downtown area.

Umabot rin sa 44 mga fire trucks mula sa iba’t ibang fire stations ang rumesponde sa fire scene.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng kabomberohan ang pinagmulan at dahilan ng nasabing sunog.