Hiniling ng Unity for Wage Increase Now (UWIN) na itaas sa P597 ang minimum na sahod para sa mga manggagawa sa National Capital Region(NCR).
Ito ay kasunod ng inihain ng grupo na petisyon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR).
Tiniyak naman ng RTWPB-NCR na pag-uusapan ang naturang wage petition sa isang public hearing, alinsunod sa itinatakda ng batas.
Gayunpaman, maaari din aniyang maghain ng opposition ang ibang mga grupo laban sa hiling ng UWIN, hanggang June 18, 2024.
Sa kasalukuyan, ang mga manggagawa sa NCR ay tumatanggap ng Php 570 hanggang Php 610 bilang minimum na arawang sahod, depende sa kung anong industriya nabibilang at dami ng mga empleyado.
Hinikayat naman ng RTWPB ang iba pang mga grupo ng manggagawa na makibahagi sa mga isasagawang wage increase discussion at mga diyalogo upang matiyak na mapag-usapang mabuti ang kalagayan ng mga ito.