Iniulat ng Philippine Ports Authority (PPA) na target nilang makapag-remit ng aabot P5 bilyong dibidendo sa pambansang pamahalaan ngayong taon
Ang PPA ay isa sa mga government-owned and controlled corporations sa bansa na nag-aambag ng dibidendo.
Kung maaalala, nakapag remit ang ahensya ng aabot sa P4.44 billion para sa taong 2023.
Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Finance, kabilang ang PPA sa top 4 in terms of remittance of dividends sa 51
Ayon sa pinakahuling pahayag ng Department of Finance, nakalista ang PPA sa top 4 in terms of remittance of dividends sa 51 government-owned and controlled corporations na nag-ambag naman sa kabuuang P99.98 billion sa National Treasury noong Disyembre 31, 2023.
Nangunguna naman sa listahan ng mga contributors ang Bangko Sentral ng Pilipinas na may P55.6 bilyon, kasunod ang Philippine Deposit Insurance Corp. na may P14.05 bilyon at ang Philippine Amusement and Gaming Corp. na may P6.96 bilyon sa ikatlong pwesto.
Ang tumataas ng dibidendo ng PPA ay naging trend narin simula pa noong 2016 na may P1.96 billion, P3.10 bilyon noong 2017, P3.52 bilyon noong 2018 at ang pinakamataas na remittance nito sa P5.05 bilyon noong 2019
Noong 2020, nag-remit ito ng aabot sa P3.76 bilyon, P4.08 bilyon noong 2021 at P4.44 bilyon noong 2022.
Ang Republic Act No. 7656 o ang dividend law ay nag-aatas sa PPA na ideklara at i-remit ang hindi bababa sa 50 porsyento ng mga net income nito bilang mga dibidendo ng cash, stock at/o ari-arian sa pambansang pamahalaan para sa pambansang kaunlaran.
Noong nakaraan, naitala ng PPA ng kabuuang 32.7 porsiyentong pagtaas sa kabuuang kita kumpara noong 2022.