-- Advertisements --

drug

Nasa P6.25 bilyon halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga ang winasak kaninang umaga ng Philippine Drug Enfocement Agency (PDEA) na isinagawa sa Integrated Waste Management Inc., sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.


Ayon kay PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva, ang pagwasak ng mga nakumpiskang iligal na droga ay tugon sa direktiba ni Pang. Rodrigo Duterte na sirain ang mga nakumpiskang kontrabando sa mga operasyon.

Layon kasi ng Pang. Duterte para maiwasan ang recycling sa mga iligal na droga nang mga tinaguriang “unscrupulous individuals.”

Winasak ang mga nakumpiskang iligal na droga sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis.

Aminado naman si Villanueva, na malaking hamon ang ahensiya sa pag comply sa direktiba ng Pangulo.

Gayunpaman sa kabila ng mga challenges nagawa nilang wasakin ang higit P6-B halaga ng illegal drugs.

Nakipag-ugnayan din si Villanueva kay Justice Secretary Menardo Guevarra at humingi ng tulong para bilisan ang paglalabas ng court order na nag- authorized sa PDEA na sunugin na ang mga nakumpiskang iligal na droga.

Siniguro naman ni Villanueva na lahat ng mga iligal na droga na nasa kustodiya ng PDEA ay kanilang wawasakin.

Target ng PDEA na maging zero ang kanilang drug inventory.

Kinumpirma din ng opisyal na sa susunod na buwan ng Nobyembre magkaroon muli ng pagwasak sa iligal na droga at umaasa na makakadalo na dito si Pang. Rodrigo Duterte.