Pormal nang isinumite ng Kamara sa Senado kahapon, October 24,2025 ang P6.352-trilyong panukalang 2025 budget na nakatutok sa social services at food security.
Pinangunahan ni Ako Bicol Rep. at House appropriations committee chairman Zaldy Co ang pagsumite sa naturang budget.
Ang nasabing national budget ay naglalaan ng malaking pondo para sa mahihirap, magsasaka, mag-aaral at mga sundalo.
Ayon kay Co, dinagdagan ng Kongreso ang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS at Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP para naman sa mga may trabaho ngunit kulang ang sahod.
Dagdag pa ni Co na may dagdag ding pondo para sa edukasyon, agrikultura at maging subsistence allowance ng mga sundalo.
Ang budget ay nakatakdang pag-usapan sa Senado.
Inaasahang matatapos sa Disyembre ang talakayan para malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bago matapos ang taon.
“This budget is a lifeline for those who need it most. By increasing funding for social programs, we’re addressing immediate needs while laying the groundwork for long-term resilience,” pahayag ni Rep. Co.