Magpapaabot na rin ng tulong ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga biktima ng magnitude 6.1-magnitude na lindol sa Pampanga at Zambales kamakailan.
Ayon kay PCSO board member Sandra Cam, nagkasundo ang mga matataas na opisyal ng tanggapan na mag-donate ng P6.5-milyon na financial aid na idadaan sa local government units.
Bukod dito tutulungan din daw ng opisina ang mga biktimang nagpapagaling sa ospital sa pamamagitan ng kanilang Individual Medical Assistance Program.
Habang bibigyan ng artificial legs ang mga survivor na naputulan ng paa.
Batay sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 18 na ang patay mula sa buong Central Luzon.
Samantalang nasa 243 ang sugatan at tatlo pa ang missing.