-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY-Nahuli ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agenct (PDEA-10) ang isang bugtime drug dealer sa West Poblacion, Balo-i, Lanao del Norte.

Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Agent Ramil, tagapagsalita ng PDEA-10 na kanilang nahuli ang suspek na si Jalil Akil Linog sa pamamagitan ng isang drug buy bust operation kaninang hapon.

Nakuha mula sa kanyang posisyon ang mahigit isang kilong drugang shabu na mayroong street value na aabot sa P6.5M.

Hindi naman lumaban ang suspek at kusa itong sumama sa tanggapan ng PDEA dito sa lungsod.

Inaalam pa ng PDEA kung konektado sa mga malalaking tao sa Lanao del Norte si Linog, habang inihanda na ang kaukulang kaso laban sa kaniya.