-- Advertisements --
Sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang urgent ang pagpapasa ng House Bill 10800 o ang 2025 General Appropriation Act (GAA) na nagbibigay ng P6.532 trillion national budget para sa susunod na taon.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez nais tiyakin ng Pangulo na hindi maging sagabal ang budget sa mga kritikal na trabaho ng gobyerno.
Ang nasabing mensahe ay binasa sa plenary session matapos ang patuloy na pagtalakay ng budget sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.
Una ng sinabi ni Romualdez na plano ng House na aprubahan sa ikatlo at final reading ang proposed 2025 GAA sa Setyembre 25.
Ang proposed 2025 budget ay 9.5 percent na mas mataas kumpara ngayong taon na nagkakahalaga ng P5.268 trillion.