Umaabot sa P6,600 kada taon o nasa kabuuang P1.9 trillion ang nawawala sa average na mga Pilipinong mag-aaral dahil sa pagsasara ng mga paaralan sa gitna ng pandemiya ayon sa pag-aaral na isinagawa ng National union of Students of the Philippines (NUSP).
Sa isang virtual forum, sinabi ni NUSP National President Jandeil Roperos na sa pagsasagawa ng face to face leraning sa gitna ng pandemiya, nawawalan ang isang average learner ng P6,600 na earning kasa taon dahil sa pagsasara ng mga paaralan.
Habang nasa 56% ng 1,207 magulang ang gumagastos ng P900 kada buwan para naman sa distance learning.
Lumalabas din sa parehong pag-aarala na ang mga pribadong unibersidad ay inaasahang magtataas ng kanilang tuition fees bilang paghahanda sa face to face classes habang ang mga public university naman ay humaharap pa rin sa financial constraints.
Ayon kay Roperos inaprubahan ng Depart ment of Education ang 654 mula sa 900 tuition and other fees increase (TOFI) habang ang Commission on Higher Education naman ay pinayagan ang 56 na pribadong higher education institutions para magtaas ng fees para sa acdemic year 2021-2022.
Aniya , kulang ang pondo para sa edukasyon kung saan ang kabuuang expenditures ng pamahalaan sa edukasyon sa bansa ay nasa 3.8% mas mababa ng 6% sa inirekomendang expenditures ng United Nations.
Nitong buwan ng Marso, nasa 312 mula sa 1,950 higher education institutions (HEI) na ang nagbukas para sa limited in-person classes habang nasa 6,122 naman mula sa 60,000 sa basic education institutions.
Kamakailan, sinuspendi ng CHED ang kanilang scholarship program para sa mga freshmen dahil sa kakulangan ng pondo.