Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P6.8-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa isang hotel sa Ermita, Manila.
Sa inisyal na ulat mula sa PDEA, nadakip din ang apat na suspek sa operasyong isinagawa kahapon ng alas-5:30 ng hapon.
Kinilala ang mga nadakip na sina Soebir Sbir Madaili, 54; Saipoding Pumbaya, 23; Saipoden Alnao Sultan, 32; and Johary Mamocarao Maromaya, 18.
Ngunit ayon sa PDEA, nakatakas ang isa pa na natukoy na si Fajad Sultan.
Bukod sa nakumpisang iligal na droga na tumitimbang ng isang kilo, nakakuha rin daw ang mga anti-drug operatives ng isang 1,000-peso bill at isang 500-peso bill sa mga suspek.
Inihahanda na rin ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga ito.