-- Advertisements --
Aabot sa P6.8 milyong halaaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang anti-drug operations ng PNP sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Naaresto ang target ng operasyon na kinabibilangan ng dalawang lalaki at isang babae.
Nakuha sa mga ito ang 15 pakete ng shabu.
Sinabi ni PNP National Capital Region Police Office (NCRPO) director Guillermo Eleazar na matagal-tagal din nilang minanmanan ang galaw ng mga suspek.
Konektado aniya ang grupo sa suspek na si Amin Boratong ang lider ng drug group na nagtutulak ng droga sa Metro Manila at Rizal.