BUTUAN CITY – Aminado si PCaptain Anne Cubio, tagapagsalita ng Butuan City Police Office o BCPO na ang matagumpay na anti-illegal drugs operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit o DEU-13 pasado alas-6:40 kagabi sa isang lodging house sa Purok 1, Brgy. Bancasi, nitong lugnsod ay syang pinakamalaki nilang inilunsad.
Ito’y matapos makuha mula sa posisyon ng mga drug personalities na sina Junry Montilla, 44-anyos, residente nitong lungsod ng Butuan Butuan at Ronnie Simplicio alyas Nonoy, 47-anyos at residente ng Purok 4, Brgy. Santa Fe, Esperanza, Agusan del Sur, ang isang kilo ng suspected shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.8M.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Captain Cubio na matagal-tagal ng nagsagawa ng surveillance ang pulisya bago inilunsad ang matagumpay na operasyon.
May gagawin pa rin silang ibang operasyon laban sa iba pang mga drug personalities na pinaghihinalaang may koneksyon sa mga nahuling drug personalities.