-- Advertisements --

LAPU-LAPU CITY – Umabot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nasabat sa isinagawang buybust operation sa Purok Five Star, Barangay Babag, lungsod ng Lapu-Lapu.

Kinilala ang arestadong durugista na si Leonardo Sumalinog Mansueto, residente ng Barangay Ermita, lungsod ng Cebu.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Police Lt. Colonel Jul Mohammad Jamiri, ang hepe ng City Intelligence ng Lapu-Lapu City Police Office, sinabi nitong isa si Mansueto sa drug distributor ng lungsod na makaka-dispose ng isang kilong iligal na droga kada transaksyon.

Ayon kay Police Lt. Colonel Jamiri na isang High Value Individual ang kanilang naaresto na si Mansueto.

Sa ngayon ay nakabilanggo sa Lapu-Lapu City Police Office detention cell ang suspek at ito’y mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 Sections 5 and 11 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Illegal possession and selling of illegal drugs.