-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Dalawang drug dealer ang naaresto ng mga otoridad sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Samrod Damada alyas Sam at Nordin Datala.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) Regional Director Juvenal Azurin na nagsagawa sila ng anti drug operation sa national highway ng Brgy Poblacion 2 Shariff Aguak Maguindanao.

Nang i-abot na ng mga suspek ang droga sa asset ng PDEA-BARMM doon na sila hinuli.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang kulay dilaw na plastic tea bag na naglalaman ng isang kilong shabu na nagkakahalaga ng 6.8 milyon pesos.

Maliban sa droga ay nakuha din sa operasyon ang isang M16 A1 Colt AR-15 na may mga bala.

Sinabi ni Azurin na matagal na nilang minamanman ang mga suspek na kapwa high value target.

Ang dalawang drug suspects ay nakapiit na sa costudial facility ng PDEA BARMM at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA-9165 o Comprehensive dangerous drugs Act of 2002 at Illegal possession of firearms.