-- Advertisements --

Aabot sa P6.8 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug buybust operation sa lungsod ng Parañaque.

Pinangunahan ng PDEA NCR Southern District Office, PDEA Special Enforcement Service at Parañaque City PNP ang nasabing pag-aresto sa dalawang lalaki.

Nakuha dito ang aabot 1 kilo na shabu at itinago pa sa lalagyang ng green tea.

Isinagawa umano ang operasyon sa isang gasolinahan sa Ninoy Aquino Avenue at matapos maiabot ang pera ay agad nilang inaresto sina alyas Bai, Kali at Marvin.

Nakuha rin sa mga suspek ang isang calibre .38 na baril