-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY- Arestado incumbent municipal councilor at dalawa pang former municipal officials nang inilunsad ang pinag-isang operasyon ng PDEA-BARMM,PNP at AFP sa Purok 4, Barangay Matampay, Marawi City.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Marawi City Police Station commander Col Tomas Pantaleon na mismo talaga ang PDEA-BARMM ang nagsagawa ng anti-illegal drug buy bust operation laban sa targeted personalities at hiningi lamang ang kanilang back-up presence kasama ang militar na nakabase sa lungsod.

Inihayag ni Pantaleon na kinilala ang naaresto na si Tagoloan Municipal Councilor Simpanor Capal Salic, former councilors Esnaira Sultan Capal at Malic Pangcoga Hadji Salik na lahat residente sa nabanggit na bayan ng Lanao del Sur.

Dagdag ng opisyal na nakUmpiska mula sa mga suspek ang tinatayang isang kilo ng shabu na mayroong estimate marked value na P6.8 milyon.

Narekober rin sa ng mga otoridad ang tatlong mga magagarang sasakyan, budol money na ginamit sa transaksyon, celLphones at mga ID.

Dinala agad ng PDEA-BARMM ang mga suspek sa Cotabato City para maiimbestigahan pa at masampahan na rin ng kaso sa piskalya.