-- Advertisements --

Kakailanganin ng kabuuang P6.8 billion na pondo para magawa ang malaking bilang ng backlog sa license plate ayon sa Land Transportation Office (LTO).

Aminado si LTO officer-in-charge Romeo Vera Cruz, na malaki ang kasalukuyang backlog sa plaka para sa mga 4-wheels at motorsiklo at tanging ang Congress ang makapagbibigay ng pondo para matugunan ito.

Ayon naman sa LTO official walang problema pagdating sa produksyon ng mga plaka dahil mayroon naman aniyang planta na gumagawa ng modernong plaka.

Kayang kaya naman aniya na matugunan ang backlog sa mga plaka basta’t mayroong pondo para dito.