-- Advertisements --

COTABATO CITY – Nakumpiska ng PDEA BARMM sa dalawang nakatakas na mga suspek ang isang Kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million sa entrapment operation na isinagawa sa Public Market, Barangay Poblacion, Maimbung, Sulu alas-5:10 ng hapon noong Sabado.

Kinilala ni Regional Director Juvenal Azurin PDEA BARMM ang mga suspek na sina Bashir Jam at Basaron Rajikat, na ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad matapos na makatakas ang mga ito sa kasagsagan ng operasyon nang matunugan nila na PDEA agents ang kanilang ka-transaksyon.

Ayon kay Director Azurin na nakatakas ang mga suspek gamit ang isang motor bangka, ngunit naiwan ang kanilang Ibinibentang pinaghihinalaang illigal na droga na nagkakahalaga ng P6.8 million.

“We will be relentless in our anti-drug campaign and make sure that the fight will be brought at the very doorstep of every baranggay in the country. This is the essence of our Barangay Drug Clearing Program,” ani Azurin.

Sa ngayon ay inatasan na ni Police Brig. Si Gen. Eden Ugale, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang pulisya ng Sulu na tumulong sa PDEA na hanapin ang mga suspek.

Nakahanda na rin ang kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kina Jam at Rajikat.