CENTRAL MINDANAO – Naaresto ng mga otoridad ang mag-asawang tulak droga sa Marawi City.
Nakilala ang mga suspek na sina Ating Pundogar alyas Alex, 47, construction worker at asawa nya na si Northatah Bonsalagan, alyas Antik, 48, mga residente ng Barangay Madaya Poblacion, Maguing, Lanao del Sur.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) Regional Director Juvenal Azurin na nagsagawa sila ng drug buy bust operation sa National Highway, Barangay Matampay, Marawi City katuwang ng 1403rd Regional Mobile Force Company, Marawi City Police Station, Alpha and Bravo Coy 82nd Infantry Batallion, 3rd Infantry Division, Philippine Army, 103rd Brigade, 500ECB at 51st IB.
Nang iabot na ng mga suspek ang shabu sa PDEA-agent ay doon na sila hinuli.
Nakuha sa kanilang posisyon ang 10 pieces transparent plastic sachets may laman na white crystalline substance o shabu na inilagay sa green plastic cellophane na may timbang na higit kumulang 1,000 grams na nagkakahalaga ng P6.8 million, isang unit na Red KIA Sportage w/ plate # AAX 8844 at mga ID’s.
Sa ngayon ay nakapiit na sa costudial facility ng PDEA-BAR sa Cotabato City ang mag-asawa at sasampahan ng kasong paglabag sa RA-9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.