-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Aabot sa P6 million ang ipinamahaging livelihood individual starter kits sa 259 beneficiaries na nagmula sa tatlong distrito ng North Cotabato.

Ayon kay DOLE Director Marjorie Latoja, katuwang ng pamunuan ni Governor Nancy Catamco ang kanyang tanggapan na tutupad sa pangarap at kinabukasan ng bawat CotabateƱo.

Ang mga kabuhayan kit na ipinamahagi ay para sa mga sumusunod: bakery, balut vending, barber shop, electrician kit, hollow block making, carenderia kit, vulcanizing shop, food house kit, halo halo vending, pritong manok vending, tailoring/dressmaking, bibingka making, sweet corn vending, gardening kit, barbecue meat vending, sinamak making, massage kit, vendo wifi, welding kit, carwash service, grass cutting service, homemade cakes and pastries, kakanin making, beautician, carpentry at marami pang iba.

Dumalo sa okasyon si Board Member Philbert Malaluan bilang kinatawan ng gobernadora.