KORONADAL CITY – Magbibigay ang bawat kongresista sa Kamara ng tulong para sa mga biktima ng serye ng lindol sa Mindanao.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay South Cotabato 2nd district congressman at Deputy Speaker for Mindanao Rep. Ferdinand Hernandez, plano ng 300 mga mambabatas na mag-ambag ng tig-P20,000 bawat isa.
Ayon kay Hernandez, kabuuang P6 malilikom na tulong para sa mga apektado ng lindol sa planong salary deductions ng mga kongresista.
Samantala, pupunta naman ngayon araw ang grupo ni Fernandez kasama ang Philippine Councilors League, National Movement of Young Legislators at Vice Mayor’s League ng South Cotabato upang ibigay ang 3,000 packs ng mga relief goods sa bayan ng Tululan, Makilala at Kidapawan City sa North Cotabato.