-- Advertisements --

Kampante ang Bureau of Customs na maaabot nito ang hanggang P60.55 billion na koleksyon ngayong buwan ng Disyembre.

Ayon kay Commissioner Bienvenido Rubio posibleng malalagpasan pa ito ng BOC, kasabay ng mas mahigpit na kampanya para sa revenue collections sa bansa.

Una nang inilaan ng BOC ang hanggang P78 billion na target para sa kabuuan ng Disyembre ngunit tuluyan din itong ibinaba kasunod ng mataas na naging koleksyon nito sa unang 11 months ng 2023.

Ayon kay Rubio, buwan-buwan ay nalalagpasan nila ang kanilang target koleksyon at nakakapagtala ng mataas na surplus.

Dahil dito, kampante ang opisyal na maaabot ang target ngayong buwan, at tuluyang maabot ang target collection sa kabuuan ng 2023.

Una nang iniulat ng BOC na umabot na sa P813.651 billion ang nakulekta mula Enero hanggang Nobiembre. Mas mataas ito ng 2.2% sa target na P795.97 billion.