Maglalabas na rin ng pondo ang Department of Agriculture (DA) bilang ayuda sa mga may alagang baboy na naapektuhan ng African Swine fever (ASF).
Sa isang press conference nitong umaga tiniyak ni Agriculture Sec. William Dar na walang interes na ipapataw ang gobyerno sa kabuuang P60-milyon na pondong ilalaan para sa affected hog raisers.
Bagamat wala raw direktang panganib sa tao ang karneng infected ng ASF, malaking banta naman umano ito para sa hog industry ng bansa.
“We set aside ₱60 million for those affected by African Swine Fever. ₱30,000 cash assistance will be given per hog raiser, payable in three years with zero interest,” ani Dar.
Sa ilalim ng cash assistance, makakatanggap ng P30,000 na ayuda ang mga magbababoy na maga-avail. Maaari naman daw itong bayaran sa loob ng taon.
Kung maaalala, una ng naglabas ng P82.5-milyon na pondo ang Department of Budget and Management, na siyang gagamitin daw ng DA para mapaigting ang quarantine facilities ng Pilipinas.
Ikinalungkot naman ng kalihim ang mga naitalang kaso ng patay na baboy na nakitang itinapon sa gilid ng creek kamakailan sa Quezon City at Marikina.