Kinumpirma ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner na humihingi sila ng P60 million danyos sa China kasunod ng June 17 Ayungin Shoal incident kung saan walang habas na sinira ng mga tauhan ng China Coast Guard ang ilang mga kagamitan ng mga sundalo na nagsasagawa ng rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre.
Sa isang panayam sinabi ni Brawner batay sa isininagawa nilang accounting umaabot sa P60 million ang danyos dulot ng kagagawan ng Chinese Coast Guard sa ating mga kagamitan.
Sinabi ni Brawner nagpadala na siya ng sulat kay Defense Secretary Gilberto Teodoro na siyang magdadala sa sulat sa Department of Foreign Affairs (DFA).
An\g DFA na umano ang magpa-abot nito sa kanilang counterpart.
Kabilang sa mga nakuha ng China Coast Guard ang pitong baril na bitbit ng mga tropa sa isinagawa nilang rotation and resupply mission.
Umaasa naman si Brawner na ibabalik ng China ang mga kinuha nilang armas.