-- Advertisements --

COTABATO CITY – Pagtutok sa kalusugan ng mga taga Cotabato City ang isa sa mga bibigyang halaga ng Ministry of Health o MOH-BARMM kaya’t magpapatayo ng mga karagdagan Health Facility ang ahensya sa Sampung Baranggay sa Lungsod.

Nasa P60 Million ang inilaang budget ng ahensya para sa nasabing mga pasilidad.

Sa naging pulong balitaan ng MOH-BARMM sinabi ni Ministry of Health OIC Minister Dr. Zul Qarneyn Abas, ito ay isa sa kanilang mga paraan upang mapa improve ang cooperation at colaboration ng MOH-BARMM at Cotabato City Health Office.

“Kami po ay nagpulong kahapon at napag-usapan narin namin together with the staff (of the City Health Office) kung ano ang mga pwedeng mga ways, kung paano natin mapapa-improved yung cooperation and colaboration between the City Health Office and the MOH-BARMM. Magkakaroon po kami ng meeting with the City Health Office upang eintroduce ang lahat ng program, and the same time, upang magkaroon na rin ng pakakilanlan yong program coordinators ng City Health at ng MOH-BARMM.” Ani Dr. Abas.

Nakatakda naring mamigay ng Health Stations ang ahensya sa mga liblib ng lugar na sakop ng Bangsamoro Region lalo na ang mga lugar na malalayo upang mabahaginan parin sila ng serbisyon ng ahensya.

Sa kabuoan nasa 800 Health Facilities na ang nabigay ng Ministry of Health sa buong Rehiyon.