-- Advertisements --

kadiwa1

Nasa Bicol region ngayong araw si Pang. Ferdinand Marcos para sa ibat- ibang aktibidad kabilang dito ang paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo at Proyektang pabahay ng pamahalaan.

Kabilang sa aktibidad ng Pangulo ang pamamahagi ng nasa P584.8 million halaga ng Fertilizer Discount Voucher kung saan nasa 121,658 magsasaka ang magiging beneficiaries.

Nasa 2000 magsasaka na may sinasakang lupain na may sukat na dalawang ektarya pababa ang sinasabing mabibiyayaan ng nasabing tulong mula sa pamahalaan.

Na P5,600 kada ektarya ang tatanggaping halaga ng fertilizer subsidy ng mga magsasaka.

Bukod dito nasa P67. 6 million na Rice Farmers Financial Assistance din ang ipamamahagi sa may 1,500 mga magsassaka kung saan makatatanggap ang bawat isa ng tig P5,000.00 cash.

Positibo naman ang Pangulo na malapit ng maabot ang una ng ipinangakong mapababa sa bente pesos ang kada kilo ng bigas.

Inihayag ng Pangulo na kanyang pinangarap sa kanyang pag-upo na mangyari ang nasabing pangako partikular nuong kampanya at malapit na aniya itong makamit.

Nasa P25.00 na aniya ang kada kilo ngayon ng bigas at kaunti na lang at maaabot na ang target na P20.00 kada kilo.

Ayon sa Pangulo sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo ay ibabagsak dito ang mga pangunahing bilihin gaya ng bigas na mabibili sa murang halaga gayung gobyerno na aniya ang magdadala ng mga prime commodities mula sa mga magsasaka at didiretso na ng KADIWA.