-- Advertisements --
Nasabat ng PNP Aviation Security Group ang P600K na halaga ng dried seahorse sa Zamboanga International Airport.
Nasa 46 na kilo ng dried seahorse na sana ay ibabiyahe papuntang Manila ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Idineklara umanong barter goods ang mga tatlong kahon ngunit ng inspeksyunin ito ng Fishery Quarantine Officer ay nakitang mga dried seahorse ang laman nito.
Samantala, itinurn over na sa BFAR 9 ang nasabat para sa kaukulang pagsisiyasat at disposiston.
Habang ang magpapadala naman ng nasabing dried seahorse ay binigyan ng notice of violation bago sampahan ng kaso.