TALISAY CITY – Nilamon ng apoy ang 76 na kabahayan sa nangyaring sunog sa Purok Sambag, Sitio Laray, Barangay San Roque, lungsod ng Talisay, probinsiya ng Cebu.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay FO3 Junriel Siaboc, ang Talisay City Fire chief investigator, inihayag nito na umabot ng isang oras bago nila naapula ang matinding apoy.
Ayon kay Siaboc, sa 76 na kabahayan, 12 nito ang partially burned at 64 ang totally burned kung saan umabot sa 91 pamilya o 394 na mga indibidwal ang apektado.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabing nagsimula ang apoy sa kisame ng pamamahay ng ‘certain Rona’ ngunit kanila pang tinitingnan ang dahilan nito.
Gayunpaman, wala namang naitalang namatay sa nangyaring sunog, ngunit tatlong mga indibidwal ang sugatan kasama na rito ang isang 4 taong gulang na babae na nakakuha ng minor burn sa katawan nito.