Iminungkahi ni Senator Panfilo Lacson na tanggalan ng P63-bilyon ang panukalang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ilipat na lamang ito sa ibang mga programa ng gobyerno.
Ayon kay Lacson, dapat itaas sa P12-bilyon mula sa kasalukuyang P5.9-bilyon ang pondo ng national broadband program ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Mula naman sa P5-bilyon ay dapat aniyang gawing P8-bilyon ang pondo sa Health Facilities Enhancement Program ng Department of Health.
Bibigyan din ng karagdagang pondo ang distance learning program ng Department of Education (DepEd).
Samantala, ilalaan naman ang P20-bilyon sa special purpose fund para sa mga lubhang sinalanta ng mga nagdaang bagyo.
Una nang sinabi ni Lacson na ang inilaang pondo sa multi-purpose building project ng DPWH ay kadalasang pinagmumulan ng korapsyon na mayroong P43-bilyon.
Habang ang P20-bilyon ay mula sa proyektong pang-imprastraktura ng right of way, double appropriations, at overlapping project.