DAVAO CITY – Inihahandan na ng aiport police ang kasong isasampa laban sa utak ng muling tangkang pagpupuslit ng agarwood sa Davao International airport kahapon ng umaga.
Inihayag ni Ronel Tesorero, assistant chief ng Aviation security unit (AVSEU) Region 11 nakompiska ang 6 na kahong Agarwood sa cargo area ng Francisco bangot International Iaport alas 11:30 kahapon ng umaga.
Ang mga nakompiskang mamahaling klase ng kahoy ay tinatayang nagkakahalaga ng halos 63 million pesos at tumitimbang ng 73 kilos.
Dagdag pa ni Tesorero naharang ng mga duty personnel sa cargo area ang naturang mga kontrabando nila Cargo Aviation Police Supervisor Staff Sergeant Jomeleo Alimbutod at Patrolman Ridzkhan Halail, ng Davao International Airport.
Ito umano ay ipapadala na sana sa pamamagitan ng Top Logistics forwarding company.
Sa ngayon isina-ilalim na sa verification ng Department of Environmental and Natural Resources ang kahon-kahong mga agarwood.
Matatandaan na dalawang linggo na ang nakakaraan nang unang makompiska rin ng mga airport police ang aabot ng dalawang milyong piso na halaga ng Agarwood sa cargo area rin ng naturang airport.
Dahil dito, muling nagbabala ang DENR na mahigpit na ipingbabawal sa batas ang pagbebenta ng Agarwood o Lapnisan dahil ito ay nabibilang sa mga engangered spicie.
Nalaman na ang isang kilo ng Agarwood ay nagkakahalaga ng halos P750,000.