-- Advertisements --

Nasamsam ng anti-narcotics agents ang nagkakahalagang P63M na shabu mula sa isang Zambian na babae sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang nahuling suspek sa arrival area ng paliparan ay isang 34 taong gulang at residente ng Zambia, South Africa.

Ayon sa mga awtoridad ng paliparan, nakuha sa kanyang bagahe ang 9.27 kilos na mga kontrabando.

Dinala na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nakuhang droga para sa documentation at disposition procedures.

Samantala, kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang hinahanda na ng mga awtoridad para sa naturang suspek.