-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Binunot at sinunog ng mga awtoridad ang 320 piraso ng marijuana plants sa Bangaw, Kayapa, Bakun, Benguet.
Ayon sa Bakun Municipal Police Station, nagkakahalaga ang mga iligal na pananim ng P64,000.
Batay sa report, may lawak na 150 metro kwadrado ang lugar kung saan naitanim ang mga marijuana.
Isinagawa ng mga kasapi ng Bakun Municipal Police Station at Provincial Intelligence Branch ng Benguet Police Provincial Office ang marijuana eradication.
Sa ngayon ay patuloy na sinusuyod ng mga awtoridad ang iba pang bahagi ng Bakun, Benguet para matuklasan ang mga karagdagang marijuana plantation sites.