-- Advertisements --

Umaabot na sa P660 billion na ang ginastos ng gobyerno ng bansa sa pagsisikap nito na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ito ang kasagutan ni Finance Secretary Carlos Dominguez, sa gitna ng mga paratang na “underspending”.

Ayon kay Dominguez, hindi niya itatanggi ang pag-amin na maliit lang ang ginastos ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ngunit nilinaw nito na ang P6 billion para sa Bayanihan funds ay one percent lamang sa total release para sa COVID-19 response.

Aniya, ang pamahalaan ay naglaan ng P45 billion para sa 2021 budget bilang pambili ng bakuna.

Nauna nang sinabi ng ilang mambabatas na maling impormasyon umano ang natanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte.