-- Advertisements --

LA UNION – Nagpapatuloy sa pagsisiyasat ang pulisya sa umano’y nangyaring panghoholdap ng mga hindi pa kilalang kalalakihan sa sales agent sa kahabaan ng national highway sa Barangay Santiago sa bayan ng Bauang, la Union.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Bauang Police Station, matapos magdeliver umano ng kanilang mga produkto sa isang tindahan ang mga biktima na sina Pamela Mae Villarubia, 31, sales agent; at ang driver ng truck na si Renato Caluza, 35, ay nilapitan sila ng dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo kasunod ang panunutok ng baril at pagtangay sa bag na naglalaman ng halos P67,000 cash na collection.

Ayon sa a paglalarawan umano ng mga biktima nasa medium build ang pangangatawan ng mga suspek, 5’2 to 5’6 ang taas, at sakay ng kulay pula na Rusi 150 motorcycle.

“For registration” naman ang nakasulat sa plaka ng sasakyan ng mga suspek.

Sa ngayon, nanatiling palaisipan pa rin sa pulisya ang pagkakakilanlan ng mga kalalakihan na umano’y tumangay sa collection ng mga biktima.