-- Advertisements --

Arestado ang isang bagong drug personality sa ikinasang buybust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) kagabi sa may bahagi ng Mindanao Avenue Ext., Barangay Greater Lagro, Quezon City.

Tinatayang nasa P68,000 halaga ng iliga na droga ang nasabat sa drug suspect.

Kinilala ni NCRPO chief MGen. Debold Sinas ang bagong drug personality na si Socarno Akmad Daud na nag ooperate sa nasabing barangay.

Sinabi ni Sinas matagal ng mino- monitor ng mga operatiba si Daud at kagabi nagkaroon ng pagkakataon ang mga operatiba at ikinasa ang operasyon.

Nakuha sa kaniya ng posisyon ang tatlong heat sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu na may bigat na 10 gramo at may market value na P68,000.00.

Kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 ang kahaharapin ng suspek.