-- Advertisements --

Mismong si Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Glorioso Miranda ang nanguna sa pamamahagi ng financial assistance sa mga kaanak ng mga sundalong nasawi sa giyera sa Marawi City.

Ayon kay Philippine Army acting spokesperson Lt. Col Enrico Gil Ileto na tig isang miyong pisong financial assistance ang natanggap ng mga kaanak ng mga sundalong napatay sa bakbakan sa Marawi.

Isinagawa ang turn-over ng financial assistance sa Ricarte Hall.

Sinabi ni Ileto na lubos na nagpapasalamat ang pamunuan ng Philippine Army
sa suporta na ibinigay para sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo.

“This will surely serve as an inspiration to our troops still fighting in Marawi,” pahayag ni Ileto.

Inihayag ni Ileto na as of today 10 a.m., August 27, 2017, nasa 68 na mga sundalong Army na ang nasawi sa Marawi.