-- Advertisements --

NCRPDEA1

Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang drug distributors sa dalawang magkahiwalay na anti-illegal drug operation sa Las Piñas City kung saan nasabat sa mga ito ang nasa P68 million halaga ng umano’y shabu na may timbang na 10 kilo kahapon September 25,2021.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang naarestong drug distrubutors na sina Jealal Shaikalabi Mimbalawag, 23-anyos, residente ng Quiapo, Manila at Arabilla Leono, 29-anyos.

Bandang alas-5:00 ng hapon kahapon ng masabat sa posisyon ni Mimbalawag ang nasa limang kilo ng shabu sa may bahagi ng C5 Extension, Barangay Manuyo I, Las Piñas City.

NCRPDEA2

Sa ikinasang follow-up operation, nasabat naman kay Jamoram ang limang kilo ng umano’y shabu sa may Countryhomes, Woodsrow-1, Talon Dos, Las Piñas City.

Ayon kay Villanueva, ang mga nakumpiskang illegal drugs ay nakasilid sa isang Chinese labeled tea packs.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 otherwise known as “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang dalawang suspeks na kasalukuyang nakakulong sa PDEA detention facility.

NCRPDEA4