-- Advertisements --
Papalo sa P68-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa lungsod ng Pasay nitong Sabado.
Sinabi ng hepe ng Pasay City Police na si PCol. Bernard Yang, 10 kilo ng sinasabing iligal na droga ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa isang bus terminal sa bahagi ng Barangay Malibay.
Nadakip din sa naturang operasyon ang dalawang suspek, na nagtutulak daw sa siyudad at maging sa rehiyon ng Calabarzon.
Ayon sa pulisya, noong Disyembre pa nila minamanmanan ang mga ito hanggang sa isagawa ang buy-bust.
Sa kasalukuyan, inaalam pa ng pulisya kung miyembro ng mas malaking sindikato ang mga naaresto.